Blog Series: Tune of Life #1

OPM Songs: Tune of Life

Di Ka Sayang

by Ben and Ben

Note: I’ve been a fan of Ben & Ben since the first time I listened to their song “Kathang-isip.” With that, I became mesmerized and begun searching about their other songs. They became my favorite since then because of the underlying messages in their lyrics. In this blog, I’ll be featuring one of my favorite songs “Di Ka Sayang” by Ben & Ben. (You can listen to the music above. I also put the lyrics below for you to enjoy. 😉 )


Di Ka Sayang
By Ben&Ben

Kahit 'di mo sinasabi
Ramdam ko ang pagkukunwari
Akala'y masaya, ba't parang may lungkot sa tawa?

Bigat ng mga katanungang
Dumadagan sa 'yong isipan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita

Itapon na sa kalawakan
Sanlibong bakit na 'di matuldukan
'Di kailangan na buhating mag-isa

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka sayang, 'di kailangang patunayan, woah-oh-oh-oh
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita

Kahit talikuran ka nila, tanggap kita
Bitawan na ang 'yong pangangamba
'Di pa huli para humilom
Ang mga sugat ng iyongnakaraan
'Di kita iiwan

'Di ka sayang, 'di kailangang manghinayang
'Di ka kulang, 'di kailangang patunayan, woah-oh-oh-oh
Sarili ay mahalaga kahit pa ano'ng tingin nila
Tanggap kita

Tanggap kita
Woah-oh-oh-oh, sarili ay mahalaga
Kahit pa ano'ng tingin nila, tanggap kita

Tanggap kita, tanggap kita
Tanggap kita

Source: Musixmatch

“Sarili’y mahalaga,” ito ang mga salitang tumatak sa aking isipan habang pinapakinggan ko ang kantang ito. Iba’t ibang tao, iba’t ibang istorya ngunit lahat tayo ay pare-pareho; pare-parehong may halaga sa mundong ito. Mula sa aking mga social media accounts hanggang sa mga comments, madami akong nabasang kuwento nang mga karanansan ng ibang tao sa kanilang sarili. May ilan na may pagkukulang sa sarili at may ilan namang naranasan ang paghuhusga sa kanilang pagkatao. Ngunit gaya nga nang sabi sa kanta, hindi tayo sayang, hindi tayo kulang.

Walang taong perpekto ika nga. Lahat tayo ay may kanya-kanyang pagkakamali at pagkukulang pero hindi ito dahilan para hindi tayo maging sapat. Maaring minsan nagkakamali tayo sa ating mga desisyon sa buhay. O kaya naman kadalasan, may mga bagay tayong hindi kayang gawin. Ngunit bakit minsan, sa halip na tingnan ang mga kaya nating gawin mas binibigyang pansin pa natin ang mga bagay na wala tayo?

Naalala ko tuloy noon ang sinabi sa amin ng guro ko tungkol sa “multiple intelligence.” Sabi niya, ang bawat estudyante ay may sari-sariling kakayanan at kalakasan at hindi sa lahat ng pagkakataon sila ay pare-pareho. Ganun din sa bawat isa sa atin. Maaring ikaw ay may talento sa pagguhit, siya naman ay sa pagsayaw, o pag-awit, at iba pang larangan. Mayroon tayong sarili nating talento at mayroon din naman tayong hangganan. Ngunit kalimitan, ito’y hindi natin pinapahalagahan. Dahil minsan, masyado nating tinitingan ang mga bagay na hindi natin kayang gawin kaya hindi natin makita ang importansya natin. Ngunit sa panahon na iyong natanggap ang iyong kakulangan at kahinaan, matatagpuan mo rin ang iyong kalakasan. Ikaw ay mayroong sariling kalakasan kaya hindi ka sayang at hindi mo kailangang patunayan ang iyong sarili sa iba.

Maari mang mapanghusga ang lipunan. Madami silang ‘expectations,’ ‘judgements’ at ‘nasasabi’ sa atin. Kaya naman minsan kahit anong sabihin natin na kahit anong sabihin nila wala tayong pakealam, wala tayong magawa tayong magawa kung hindi maapektuhan sa kung anong tingin ng iba sa atin. Ngunit sa nagdaang taon, sa paglago nang aking sarili, isa sa mga natutunan ko sa aking karanasan ay ang pagtanggap sa katotohanan na hindi lahat ng tao ay tatanggap sayo. May ilan lamang ang makakakita sa halaga mo kaya naman sila ang dapat pahalagahan mo. Hindi mo kailangan patunayan at ipakita sa iba kung ano ka at kung ano ang anong mayroon ka. Minsan, masyado nating pinoproblema kung ano ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa ikasasaya natin. Ngunit, hindi.

Ika nga ni Patricia Lasaten, “the world is too big for me to live according to people’s expectations, so why should you?”

Hindi sa lahat ng pagkakataon tanggap ka ng iba. Kahit anong gawin mo, mayroon pa rin silang masasabi sayo. Hindi ka perpekto pero mahalaga ka. May halaga ka sa mundong ito. May mga taong tatanggap sayo at sana’y matagpuan mo ang mga tamang taong ito sa buhay mo. Kung kaya ka nilang tanggapin, sana gawin mo rin ito sa iyong sarili. Huwag mong hanapin ang halaga mo sa iba. Hindi sa kanila masusukat kung ano ka. Dahil kahit anong mangyari, importante ka. Gaya nga nang sabi nang kanta, “tanggap kita.”

Tanggap kita ano man ang kasarian mo.
Tanggap kita ano man ang pinagmulan mo.
Tanggap kita ano man ang naranasan mo.
Tanggap kita ano man ang nais mo.
Tanggap kita at hindi mo na kailangang patunayan ang sarili mo.
Tanggap kita at ang iyong buong pagkatao.
Tanggap kita.

Sa iyong pagtanggap sa iba at sa iyong sarili, makikita mo ang pagmamahal na iyong hinahangad.

MAHAL. PAG-IBIG. Kadalasan, tinatanong natin kung ano nga ba talaga ang tunay nitong kahulugan. Ngunit para sa akin, masasabi ko na ang bawat isa sa atin ay ang sumasalamin sa mga salitang PAGMAMAHAL AT PAG-IBIG. Dahil lahat tayo ay katanggap-tanggap; lahat tayo ay kamahal-mahal. Kaya naman kung nais mong maranasan na mahalin, simulan mo ito sa sarili mo. Sapagkat hindi sa lahat ng pagkakataon mahahanap natin ang pagmamahal sa iba, dahil kadalasan, sa sarili natin ito matatagpuan.

Sa mga oras na nararamdaman mo na ika’y nag-iisa, huwag mo sanang kalimutan na nandiyan ang Diyos para sayo. Bukod sa iyong sarili, sa Kanya mo matatagpuan ang tunay na pag-ibig. Nilikha ka niya dahil mayroon kang gampanin sa mundong ito. Ang buhay na mayroon tayo ay isang importanteng regalo sa atin ng Maykapal kaya sana pahalagahan mo ang iyong sarili kagaya ng buhay na ipinagkaloob sayo. At sa mga oras din na palagay mo’y walang tatanggap sayo, tumingala ka lang sa Kanya dahil sa Kanya, walang maiiwan; walang nag-iisa. Kumapit ka lang sa Panginoon dahil sa kanya’y hindi ka mawawala. Hindi ka niya susukuan at mamahalin ka niya nang higit pa.

Kaya mahal, nandito lang ako at nais kong sabihin sayo ngayon na kung ano man ang iyong nararanasan, sana malaman mo na mayroon pa ring nandyan para sayo. Sana’y hangarin mo namang mahalin ang sarili mo. Tanggap kita sa kung ano ka at mamahalin kita, palagi. Sana ikaw din sa iyong sarili.💖

Kung kaya mong sabihin ang mga katagang “Mahal kita” sa iba, sana matutunan mo rin itong sabihin sa sarili mo.

Hanggang sa muli,

HOW WAS MY WORK SO FAR?

©Thalena 2020