Pagyakap sa Takipsilim

Poem #2

Pagyakap sa Takipsilim

Tula ni Thalena

Sa pagsapit ng takipsilim,
Mga salitang bumubulong
Sa isip’y gumugulo
Nakakapagod, nakakalungkot.

Wala nang salitang namumutawi
Sa aking mga labi
Walang ibang naririnig kung hindi,
Mga katagang, “Kaya ko pa.”

Pilit na sinasabi sa sarili
“Kaya ko pa,” kahit hindi
“Kaya ko pa,” kahit lumuluha,
Ang mga matang walang pag-asa

Ngunit ang aking isipan,
Wala ngang bibig para umimik;
Wala ngang tenga para marinig
Pero sumisigaw ng “Tama na.”

Nakakapagod na.

Sa pagsapit ng bukang-liwayway
Nais ko’y bagong pag-asa
Ngunit bakit biglang nagbago
At sumapit ang gabi nang kadiliman.

Sa dilim nang nangyayari sa paligid
Wala akong makita,
Wala akong marinig,
Wala akong makapitan.

Tanging ako na lamang
Ang yayakap sa aking sarili;
Sa aking sarili na pagod na
Sa paglaban sa mundong mag-isa

Nakakapagod na,
Ang mga nangyayari sa paligid.
Gawa dito, gawa doon
Problema dito, problema doon..

Isa-isa lang.
Hinay-hinay lang.
Kahit ang malakas
Ay napapagod din naman

Ngunit mahal, nais kong sabihin sayo
Na sa gitna nang iyong problema
At sa pagitan ng iyong kadiliman,
Iyong matatagpuan ang mga sagot at pag-asa.

Subukan mong imulat ang iyong mga mata.
Tumingala sa buwan at mga tala.
Damhin ang hangin na yumayakap
Sa gabi nang iyong pagdudusa.

Nakikita mo ba ang ganda
Na bumabalot sa iyong kadiliman?
Naririnig mo ba,
Ang sagot sa gitna nang katahimikan?

Ayos lang iyan, mahal.
Ayos lang ang tumigil,
Ayos lang ang mapagod,
Ayos lang ang magpahinga.

Hindi sa lahat ng pagkakataon,
Kailangan mo palaging lumaban
Minsan, kailangan mo munang sumuko
Sumuko, sa sarili mong pagod na.

Sana iyong malaman,
Na ang takipsilim ay oras nang
kapahingahan.
Kaya sana sa iyong takipsilim,
Muli kang maghilom.

‘Pagkat mahal, hindi ka nag-iisa.
Sa iyong kalangitan matatagpuan,
Ang Maykapal na hindi ka iiwan,
Sa iyong mga laban


Nightfall is a time for resting. When time comes and you felt tired, rest. Being brave is not defined as a person who never cease fighting. But bravery comes to those who continue standing, even after falling.

Kaya mahal, yakapin mo ang iyong sarili sa iyong gabi ng pagdurusa- ang takipsilim, ang oras nang iyong paghilom.

(NOTE: This poem is part of our virtual exhibit yesterday.)

Endlessly,

HOW WAS MY WORK SO FAR?

©Thalena 2020

Solar Eclipse

Poem #1

Never have I fell in love
As much as this
Just when I saw you
My heart beat runs, following you

You said I am your moon
That gives your dark life some moonlight
But no you’re wrong
I am no moon but sunshine

What you thought was the opposite
You’re my moon and I’m your sun
Glowing amidst the darkness
Together with the stars spreading brightness

Why can’t you seem to notice
This light of me that’s shining
Is it because of the stars flocking?
Guiding you in the night abiding?

Sun is also a star
The biggest of them all
But I guess no matter how I tried and give my all
You won’t get to pick me after I fall

Can’t you see how much people
Eagerly waiting for me to shine
In the morning dawn
Or even the nightfall

But their happiness
Became my sadness
For my fears are happening;
The hope I build is now slowly ending

Your darkness is filled with stars to give light
Yet my morning shines but became a gloomy fright
Sun and moon can’t be together
Just like how we’re star-crossed lovers

We’re just two people waiting
Even if it takes a lot of time
For a moment to collide
In just a short amount of time

A random poem I created.

Some things are not meant for you. But still, never falter. The sun still rise even after its downfall.
Thank you for visiting my blog. ‘Till next time!

HOW WAS MY WORK SO FAR?

©Thalena 2020